Karen Meets World

Explore • Dream • Discover • Travel

  • Home
  • About
  • Blog
  • Work With Me
  • Events
  • Shop
  • Contact

Pilipinas ang Bansa ko, Filipino ang Wika Ko!

Posted on August 25, 2013 | by karenmeetsworld | Category: Uncategorized

Pilipinas ang Bansa ko, Filipino ang Wika Ko!

Bilang aking pakikiisa sa pagdiriwang ng ‘Buwan ng Wika’ ngayong Agosto, ang blog kong ito ay isusulat ko sa Wikang Filipino.

Noong unang panahon, napagkasunduan ng mga katutubo na magkaroon ng isang Wikang Pambansa na magbubuklod sa mamamayang Pilipino, at ito nga ay “Filipino”. Sa lenggwaheng ito nakasulat ang ating Pambansang Awit at ang Panatang Makabayan. Ngunit, sa pagbabago-bago ng mga salita at sa pagyakap natin sa ibang lenggwahe gaya ng Ingles, unti-unting nakakalimutan ng mga Pilipino ang paghasa sa paggamit ng ating Wika. Sabi nga ng ilang mga guro, marami sa atin, mas ginagamit pa ang wikang banyaga kaysa sa ating Wika.  Wala namang masama dito, dahil ang Wikang Ingles ay nakakatulong upang makipag-usap tayo sa ating mga kaibigan sa ibang bansa. Ang kailangan lamang ay balansehin natin ang paggamit sa mga ito.

Noong ako ay nag-aaral pa, hindi ko maikakaila na ako ay lubos na hasa sa pag-intindi at paggamit sa Wikang Filipino. Madali kong naiintindihan ang mga tula na may matatalinhagang salita at ang mga kuwentong may kaangkop na simbolo. Dahil na rin siguro ako ay may dugong “Batangeña”, ang tawag sa mga tao sa probinsiya ng Batangas, isa sa mga lugar na kilala sa paggamit ng Tagalog. Nakatulong ito sa pagiging UNA ko sa klase pagdating sa paksang Filipino. Gayunpaman, Kasabay ng aking pagiging bibo sa Wika ko ay ang paghina ko sa paksang Ingles kaya naman nung nagkolehiyo ako sinikap kong sanayin ang aking sarili at higit na pag-aralan ang Wikang Ingles, sapagkat ito ang aking magiging susi sa aking pangarap bilang isang magaling na manunulat. At hindi nga ako nagkamali, ang pag-aaral kong iyon ay nakapagbukas sa akin sa maraming oportunidad.

Sa aking trabaho bilang isang manunulat, lahat ng paksa o balitang itinatakda sa akin ay aking isinusulat sa Wikang Ingles, dahil na rin sa kagustuhan ng kompanya na maabot ang mga mambabasa sa iba’t-ibang bansa. Araw-araw akong nagsusulat gamit ang Wikang Ingles na hindi ko namamalayang mediyo nababawasan na ang alam ko sa Wika ko. Hanggang sa isang araw ipinatawag kami ng aming pamamatnugot upang sabihin sa akin na ang aming mga artikulong balita ay kinakailangan nang isalin sa Wikang Filipino upang mas maiparating sa mamamayan ang mga pangyayari, kaya naman isinalin ko ang aking mga balita sa Wikang Filipino, hindi ako nangiming gawin ito dahil sa alam ko na madali lamang ang takdang ibinigay sa akin, subalit nagkamali ako, dumugo ang ilong ko sa pagsasalin ng mga teknikal na salita, pagtama ng mga gramatiko sang ayon sa  regulasyon ng Wikang Filipino. Nagsimula kaming maging matalik na magkaibigan ng diksiyonaryong Ingles-Filipino na ipinamana pa sa akin ng aking kasamahan sa trabaho. Pero may mga diksiyonaryong literal ang pagsasalin kaya mas makakabuti kung pipiliin niyo ring maigi ang tamang diksiyonaryo. Kinapa ko rin ang tamang paggamit ng mga salita at tamang pagbabaybay gaya na nga ng kwento-kuwento; nang-ng; iba’t ibang- iba-iba;  drayber-tsuper; titser-guro at iba pa.

Nabanggit ko na nakakaintindi ako ng malalalim na salitang Filipino pero aminado akong hirap akong magsulat ng deretsong Filipino. Kaya nga labis akong namamangha sa mga kompositor gaya nina Gloc 9, Noel Cabangon, Freddie Aguilar at manunulat gaya ni Bob Ong sapagkat alam ko na mahirap makapagtugma-tugma ng mga salita at nagawa nila iyon ng mahusay. Gayunpaman, nalulungkot ako dahil kakaunti na ang sumusuporta at nagsusulat ng Panitikang Filipino. Kaya sana simulan ng mga guro na ipakilala sa mga kabataan ang Panitikang Pilipino upang maitaguyod natin ang ating obra o akda. Sinimulan ko ang pagbabasa ng ilan sa mga ito at doon ako humugot ng inspirasiyon upang ako ay magsulat ng kuwento gamit ang ating Wika, Doon ko din higit na naintindihan na ang Wikang Filipino pala ay pwede ring maging Wika ng Karunungan at Kaunlaran.

Ang kailangan lang natin ay gamitin ito at magkaisa tayo upang maitaguyod natin ang Wikang Filipino. Sabi nga ni Jose Rizal sa akda niyang Sa Aking mga Kabata “Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda”. Minamahal ko ang Wika ko dahil Pilipino ako.

Share
Tweet
Share
Share
Tweet

You might also like to read these

Default ThumbnailDunkin’ Donuts Blueberry Cheese Default ThumbnailIn Loving Memory Default ThumbnailMy Morning Boosters

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Explore Things
Chase Dreams
Discover Places
Travel Adventures

Hi, I am Karen!

I am the girl behind this personal-lifestyle blog, Karen Meets World. I write about my simple life, big dreams, travel adventures and everything that inspires or interests me. I hope you'll enjoy reading the blog!

Read More

Categories

  • Chase Dreams
  • Discover Places
  • Explore Things
  • Karen's Favorites
  • Oh My K!
  • Travel Adventures

Archive

Let’s Talk

For the things that you'll like
For random chats with me

Instagram

This error message is only visible to WordPress admins

Error: No feed found.

Please go to the Instagram Feed settings page to create a feed.

Creative Commons

Creative Commons LicenseThis work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.
DMCA.com Protection Status
Klook.com
Explore Things
Chase Dreams
Discover Places
Travel Adventures

NEVER MISS A POST!

Sign up to my newsletter to get the latest updates from Karen Meets World.

Sponsors & Partners

Blog Courtesy: Please do not use my original images / videos or my writing without my permission. Thank you!

Copyright © Karen Meets World 2016. A Personal Website. Designed by Debby Vivo